Filipino Cultural Forum Community House2

Filipino Cultural Forum Community House2

Filipino Cultural Forum Community is a community for all Filipinos and other cultures. This forum is our Tambayan or group.


PNoy sa mga kritiko: Magmahalan, magtulungan tayo

Share

bebam

Posts : 1
Join date : 2014-07-21

PNoy sa mga kritiko: Magmahalan, magtulungan tayo

Post by bebam on Mon Jul 21, 2014 3:39 pm

File photo/Malacanang Photo Bureau

MANILA, Philippines ā€” Nakiusap si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang mga kritiko na tigilan na ang paghahanap ng mali sa kanyang mga ginagawa bagkus ay makipagulungan na lamang para sa ikauunlad ng bayan.

Sinabi ni Aquino ngayong Lunes sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Philippine Arena ng Iglesia ni Cristo sa Bulacan na dapat ay magmahalan at magkaisa ang lahat.

"Sa trabaho po nating ito na pagsusulong ng reporma, hindi maiiwasan na meron tayong makakaaway. Meron pong iilan na anuman ang gawin ko, gaya ng pagdalo nito, ay maghahanap pa rin ng pwedeng mabatikos," wika ni Aquino.

"Paalala ko lang sa kanila: kung kapwa ko kayo Kristiyano, tungkulin nating magmahalan sa ngalan ng Panginoon sa halip na maghasik ng agam-agam at 'di-pagkakaunawan," dagdag niya.

Ibang-iba ang tono ng Pangulo ngayon kumpara sa kanyang matapang na pahayag nitong nakaraang linggo ukol sa deklarasyon ng Korte Suprema na hindi naaayon sa Saligang Batas ang ilang bahagi ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sinabi ni Aquino sa mataas na hukuman na pag-isipang muli ang kanilang desisyon sa DAP dahil wala naman aniyang mali sa naturang programa.
PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dagdag niya na pinabagal ng desisyon ng Korte Suprema ang pag-usbong ng ekonomiya ng bansa.

    Current date/time is Sat Oct 21, 2017 5:29 am